Kasalukuyan nang biniberipika ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga ulat hinggil sa isang Pilipinong napatay diumano habang nakikipaglaban kasama ang puwersa ng Russia sa patuloy na digmaan sa Ukraine.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, hindi pa opisyal na makumpirma ng militar ang pagkakakilanlan ng nasabing Filipino fighter, magin...